Ni JIMI ESCALA

WALANG pagkakaiba sa ama niyang si Boom Labrusca ang isa sa newest addition sa Star Magic Circle talents na si Tony Labrusca. Naging malapit kami sa kanyang ama noong mga panahong nasa Letran College pa ito at isa sa mga panlaban sa swiimming competitions ng nasabing unibersidad.

Tony at Boom copy

Ayon kay Tony, pareho silang mag-ama na paisa-isa kung magmahal ng babae.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Kaya nga ba bukod tanging si Kisses Delavin ang balitang nililigawan niya?

“No, Kisses and I are just really good friends. On top of that, our families are really close,” giit agad ni Tony.

Puring-puri ni Tony si Kisses na nakatrabaho na niya sa ilang proyekto. Isa raw si Kisses sa pinaka-hardworking young woman.

“Watching her performance on stage really inspired me to do my best. Me and Kisses appreciate the fact that we’re friends. It’s amazing that we get to work with our friends,” sabi ng aktor.

Bukod sa kanya, ipinapareha rin si Kisses sa mga kasamahan niyang sina Donny Pangilinan, Niel Murillo at Mark Neuman. Walang problema kay Tony kung sinuman sa kanilang apat ang higit na magustuhan ng fans bilang kapareha ni Kisses.

“Gusto nilang makita kung sino’ng mananalo sa amin, parang iniisip nila na hindi kami magkakaibigan. Well, that’s not true at all. We’re all friends, I work with Mark, I came from the same show as Niel,” sabi ni Tony.

Pero aminado siya na mas malakas ngayon ang tambalan nina Donny at Kisses.

“Malakas talaga ang fan base ng DonKiss pero hindi naman kailangang isa lang ang maging katambal ni Kisses. I mean, how amazaing would it be if Donny and Kisses get to work together and at the same time, me and Kisses get to work with each other also,” lahad pa ni Tony Labrusca.