MOSCOW (AP, Reuters) – Isang shopping center sa Siberian city ng Kemerovo ang nasunog na ikinamatay ng 53 katao at 69 iba pa ang nawawala nitong Linggo, iniulat ng Russian state news agency.

Ayon sa Tass agency, 40 sa mga nawawala sa apat na palapag na Winter Cherry mall ay mga bata. Bukod dito, 43 iba pa ang nasugatan sa sunog, ayon sa ulat.

Wala pang impormasyon sa sanhi ng sunog sa mall, na nasa 3,000 kilometro ang layo mula sa silangan ng Moscow.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa

Ngunit iniulat ng Tass na nagsimula ang sunog sa pinakamataas na palapag at tinupok ang halos 1,500 square meters ng lugar.