Sinulat at mga larawang kuha ni RIZALDY COMANDA

SA temang “La Trinidad’s Strawberry Forever” sa ika-37 taon ng Strawberry Festival ay ipinakita ang kasaganahan hindi lamang sa pagiging Strawberry Capital of the Philippines kundi maging ang pag-usbong ng turismo na sumaksi sa highlights ng selebrasyon nitong Marso 17 ng La Trinidad, Benguet.

Float-7

Ipinarada ang naggagandahang environmentally-friendly na floats ng mga barangay, na ang mga disenyo ay strawberry at iba’t ibang uri ng bulaklak, kasabay ang makukulay na costume at cultural dancing ng drum and lyre corps at mga lumahok sa open category.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang La Trinidad ay first class municipality at capital ng lalawigan ng Benguet na tinaguriang Salad Bowl of the Philippines, ang bagsakan-angkatan ng highland vegetables na ibinibiyahe patungo sa iba’t ibang lugar sa Luzon Kilala rin ang bayan sa pagiging Rose Capital of the Philippines at producer ng mga iba’t ibang uri ng bulaklak.

An g S t r awb e r r y F i e l d a n g nangungunang tourist destination sa lugar, na nagpaunlad sa ekonomiya ng bayan, lalung-lalo na ang mga produkto mula sa strawberry na siyang One Town One Product (OTOP) ng La Trinidad.

Pina saya ng pagdi r iwang ng maiingay na drum and lyre corps, ka s abay ang s t r e e t danc ing ng participants mula sa Cordillera College Elementary Laboratory School, Beckel Emenetray School’ Puguis Elementary School; Central LCS; Lubas Elementary School at Balili Elementary School.

Pawang cultural street dancing naman ang ipinamalas sa open category na ang layunin ay ipakita ang mayamang kultura at tradisyon ng lalawigan, mula sa participants na Chom-No Cultural Group; BeNH-Annex Puguis Cultural Group; Ayoweng Di Ganza Group; Lubas ES Cultural Ensemble; Tawang Cultural Group; Central ES Cultural Group at Buyagan ES Cultural Group. Ipinarada rin ang mini- floats na gawa sa recycled materials at ang “smoke-free” floats dahil hinihila lamang ito ng mga tao.