Nina BETH CAMIA at ARGYLL CYRUS GEDUCOS, ulat ni Francis T. Wakefield

Mahigit 90,000 pasahero na ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan sa buong bansa hanggang kahapon, kaugnay ng Oplan Biyaheng Ayos ng ahensiya para sa Semana Santa.

Sa kabuuang bilang na 91,294 na naitala hanggang 5:00 ng hapon kahapon, pinakamarami ang bumiyahe sa Western Visayas, na may kabuuang 18,760.

Sinundan ito ng Central Visayas, na may 15,746; south eastern Mindanao, na may 15,672; at Southern Tagalog na nakapagtala ng 11,065 pasahero.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Naitala rin ng PCG ang sumusunod na outbound passengers sa iba pang coast guard districts gaya sa National Capital Region, 2,003; south western Mindanao, 4,295; Palawan, 1,498; north western Luzon, 2409; Bicol, 3,766; Northern Mindanao, 6,849; Eastern Visayas, 2,936; north eastern Luzon, 451; at Southern Visayas, 5,844.

Nagbukas na rin ang PCG ng mga Passengers Assistance Center (PAC) nito, at mananatiling nakaalerto hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay, Abril 1, para naman sa mga pasaherong magsisibalik sa Metro Manila.

BIYAHENG LIGTAS

Kaugnay ng inaasahang dagsa ng mga Pilipinong bibiyahe at magbabakasyon ngayong linggo, tiniyak ng Malacañang ang pagpapatupad ng pinaigting na seguridad para sa publiko.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nananatiling prioridad ng pamahalaan ang kaligtasan ng publiko.

“As we expect the heavy movement of people this coming Holy Week, we have been gearing up security and safety preparations. Public safety remains our top priority,” sabi ni Roque.

Ayon kay Roque, bagamat walang namo-monitor na anumang banta sa kaligtasan ng publiko, nananatiling naka-high alert ang pulisya, at tiniyak din ang deployment ng karagdagang puwersa sa mga pampublikong lugar.

WALANG BANTA

“Law enforcement and security personnel have monitored no specific threat but we will not put our guard down,” sabi ni Roque. “Appropriate security measures are in place to ensure public safety. These include additional deployments in various areas aimed at safeguarding places of convergence, such as transport terminals, churches, malls and other public recreation areas.”

Kasabay nito, hinimok ng Malacañang ang pakikipagtulungan ng publiko upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

“Public support can be manifested through everyone’s cooperation in the conduct of safety checks, security checkpoints, compliance with traffic regulations and maintaining complete situational awareness of their

surroundings at all times,” ani Roque. “Everyone is called upon to immediately report suspicious characters and unattended materials such as packages, bags and other objects that are out of place.”

ALERTONG PUBLIKO

Ito rin ang panawagan sa publiko ng Armed Forces of the Philippjnes (AFP).

“We recognize the importance of the help of our citizens and the community against the enemies of peace,” saad sa pahayag kahapon ng AFP. “We call on our people to be part of the security net to detect, deter and frustrate any move by criminals and terrorists.”

Una nang inihayag ng AFP Joint Task Force National Capital Region (JTF-NCR) na magpapakalat ito ng 700 sundalo sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila bilang katuwang ng mga pulis sa pagbabantay sa seguridad ngayong Semana Santa.

Ayon pa kay JTF-NCR commander Brig. Gen. Alan Arrojado, may karagdagan pang 100 military reservist na magbabantay sa mga transport terminal, shopping mall, at iba pang matataong lugar.