HANDA na ang lahat sa pinakahihintay na 2nd edition ng Councilor Camille Lopez chess tournament sa Abril 15, 2018 na gaganapin sa 2nd floor building 1, Public Market sa Lipa City, Batangas.
“Lubos po kaming nagpapasalamat kay Councilor Camille Lopez sa walang humpay na pagsuporta sa mga kabataan at sa sports lalung-luna na sa chess,” sabi ni tournament director Aexandro “Allan” Osena, presidente ng Lipa City Christian-Muslim Chess Association (LCCMCA) na kaagapay sa pagpapalaganap ng ajedrez si LBC Express Customer Associate Ryan Lopez Sauz na tumatayong Press Relation Officer (PRO).
“Ginagawa natin itong event na ito para mapalaganap ang larong chess sa grassroots level, makadisukbre ng future chess master at makaiwas ang mga kabataan sa masasamang bisyo,” ani pa tournament director Alexandro “Allan” Osena na presidente din ng Golden Mind chess club.
Bukas ang nasabing torneo sa lahat ng residente ng Lipa City, Batangas at miyembro ng Lipa City Christian-Muslim Chess Association (LCCMCA) na ipapatupad ang 20 minutes five seconds delay time control format.
Maibubulsa ng magkakampeon ang P2,000 plus tropeo, nakalaan naman sa ika-2 puwesto ang P1,500 plus medal, maibubulsa ng ika-3 puwesto ang P1,000 plus medal, matatangap naman ng ika-4 na puwesto ang P700 plus medal at maiuuwi naman ng ika-5 puwesto ang P500 plus medal.
May tig P500 plus medal naman ang mapapanalunan ng Top Lady, Senior, Elementary at High School.
Tumawag sa mga numero sa 0916-792-2536 at 0921-250-0251 para sa dagdag detalye.