Ni Bonita L. Ermac

ILIGAN CITY - Matapos ang apat na taong pagtatago, naaresto na rin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang kidnapper na namugot sa kanilang biktima, na nabigong magbigay ng ransom noong 2014.

Nasa kustodiya na ngayon ng NBI-Iligan District Office ang suspek na si Abdullah Dimakuta, alyas “Iduk”, na inaresto sa Brangay Ilian, Piagapo, Lanao del Sur, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Wenida Papandayan ng Marawi City Regional Trial Court Branch 9, sa kasong kidnapping at murder.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Isang 24-anyos na lalaking umano’y kaanak, ang biktima ng suspek, apat na taon na ang nakararaan.

Ipinahayag ni Atty. Abdul Jamal Dimaporo, NBI-Iligan District Office chief, na nagalit si Dimakuta nang hindi magbigay ng pera ang pamilya ng biktima kaya pinugutan at pinagputul-putol na lamang niya ang biktima.

“Pinugutan at tsinap-chop nila ang biktima nang hindi ibinigay ang demand nila, at itinapon sa iba't ibang lugar sa Piagapo," pahayag pa ni Dimaporo.