Ni Leslie Ann G. Aquino
Umapela si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya na ibahagi ang kanilang mga biyaya sa Alay Kapwa, ang Lenten Evangelization at fundraising program ng Simbahang Katoliko.
“I call on our brothers and sisters in Christ to participate in Alay Kapwa 2018 and to be generous in sharing their blessings this season of Lent,” aniya.
Ayon sa cardinal, mabilis na nauubos ang pondo ng Alay Kapwa sa pagtaas ng bilang at pagtindi ng mga kalamidad na nirerespondehan ng Caritas Damayan.
Kaya naman ngayong Lunes Santo (Marso 26, 2018) ay magsasagawa ang Caritas Manila, katuwang ang Radio Veritas 846, ng 12-oras na telethon mula 6am hanggang 6pm upang lumikom ng pondo para sa Alay Kapwa.
Ang mga Mabuting Samaritano ay maaaring makilahok at mag-ambag sa oras ng telethon sa pagtawag sa 925-7931 hangang 39, 563-9311 o 562-0020 hanggang 25, na magbubukas sa kabuuan ng live broadcast sa Radio Veritas 846 at sa pamamagitan ng livestreaming sa www.veritas846.ph.
Maaaring mag-donate online sa http:// ushare.unionbankph.com/caritas/ o sa bank deposit:
Account Name: Caritas Manila
Banco De Oro - Savings Account No.: 5600-45905
Bank of the Philippine Islands - Savings Account No.: 3063-5357-01
Metrobank - Savings Account No.: 175- 3-17506954-3
Dollar accounts:
Account Name: Caritas Manila
Bank of the Philippine Islands - Savings Account No. 3064-0033-55
Swift Code - BOPIPHMM
Philippine National Bank - Savings Account No. 10-856-660002-5
Swift Code – PNBMPHMM
Noong 2017, ang Alay Kapwa Telethon proceeds ay ginamit sa pagpapalawak sa relief operations ng Caritas Damayan para sa mga biktima ng lindol sa Surigao, mga bagyong ‘Urduja’ at ‘ Vinta’, rehabilitasyon at pagbangon ng Marawi, at iba’t ibang kalamidad.
Nagkaloob din ang Caritas Manila ng relief at rehabilitation assistance sa 14,732 pamilya sa buong bansa.
Ang tema ng Alay Kapwa Telethon 2018 ay “Renewed Servant Leadership for New Evangelization towards Living-out the Spirituality of Alay Kapwa.”