Ni Leonel M. Abasola

Duda ang kampo nina Senator Joel Villanueva at Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na isinakripisyo lamang sila ng nakalipas na administrasyon, kaya sila kinasuhan ni dating Justice Secretary Leila de Lima kaugnay ng “pork barrel” scam.

Sa pahayag kasi ni de Lima, itinanggi niya ang alegasyon na nagkaroon ng “selective justice” sa paghawak niya sa nasabing kaso noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice (DoJ).

“We charged even allies of Aquino, like Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon and Sen. Joel Villanueva. And they still call it selective justice, just because those who they wanted to be destroyed were not included,” ani De Lima.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Si Biazon ang unang kaalyado ni dating Pangulong Benigno Aquino III na kinasuhan dahil sa pork barrel scam.

Nagbitiw siya bilang Customs chief noong 2013.

Sa kaso naman ni Villanueva, naglabas na ng report ang National Bureau of Investigation (NBI) noong 2014 na nagsasabing pineke ang pirma ni Villanueva, bukod pa sa mali ang letterhead ng sulat na ginamit sa reklamo.

Mismong sa Senate hearing din ay inamin ni Benhur Luy na siya ang pumeke sa pirma ni Villanueva.