NIna Ellson A. Quismorio at Genalyn D. Kabiling

Aabot sa 60 kongresista ang humiling kay Pangulong Duterte na ipagpatuloy ang nakanselang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ito ang nakasaad sa inihain nilang House Resolution (HR) No. 1803, na nilagdaan ng 58 kongresista mula sa iba’t ibang paksiyon at partido.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“This is very encouraging and we are calling on the Duterte administration to heed this call for a just peace. We are also urging our other colleagues to also co-author the resolution as there is a more urgent need and reason now to continue the GRP-NDFP peace process in the midst of escalating clashes between the military and the communist rebels,” sabi ni Bayan Muna Party-List Rep. Carlos Zarate, miyembro ng Makabayan bloc.

Gayunman, sinabi ng Malacañang na kinakailangan muna ng “desired enabling environment” na pabor sa peace talks bago ikonsidera ng pamahalaan ang pakikipag-usap sa mga rebeldeng komunista.

“We thank the House and welcome the Resolution and for such interest in the continuation of the peace process,” saad sa pahayag kahapon ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza.

“While such a Resolution however is not necessary as the presence of an enabling environment conducive to the resumption will be the sole determining factor, that collective voice from Congress can very well contribute to that desired enabling environment,” ani Dureza.