ALL-OUT na tawanan at kantahan ang masasaksihan ngayong Linggo sa All-Star Videoke kasama sina Solenn Heussaff at Betong Sumaya.
Magkakaalamanan na kung sino talaga ang kampeon sa videoke sa pagtutunggali ng videoke champions na sina Miguel Tanfelix, Mika dela Cruz, Boobay, Jason Francisco, Maricris Garcia at Ruru Madrid.
Hindi lang cash prizes at bragging rights ang kasama nito dahil itotodo na ng videoke champions ang kanilang performance para sa napili nilang charitable foundation.
Siguradong mahihirapan ang All-Star Laglager na si Ai Ai delas Alas sa pagpili kung sino ang ilalaglag sa ‘Butas ng Kapalaran’.
Alamin kung sino sa kanila ang tatanghaling Ultimate Videoke Champion.
Sa direksiyon ni Louie Ignacio, tutukan lahat ng ito sa All-Star Videoke ngayong Linggo ng gabi sa GMA Sunday Grande.
