Nag-isyu na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga special permit sa mahigit 1,000 bus para sa inaasahang dagsa ng mga pasaherong magsisiuwian sa kani-kanilang probinsiya para sa Semana Santa.

Inilabas ni LTFRB member Atty. Aileen Lizada nitong Biyernes ang pinal na bilang ng mga special permit, na inaprubahan ng board para makabiyahe ngayong Semana Santa.

Batay sa inilabas na datos, nakatanggap ang board ng kabuuang 486 na aplikasyon na sumasaklaw sa 1,220 bus na nagpetisyon ng special permits.

Dahil dito, sinabi na Lizada na inaprubahan nila ang 440 aplikasyon na sumasakop sa tinatayang 1,036 units, upang mapagbiyahe sa labas ng kanilang ruta ngayong Linggo, Marso 25 hanggang sa Lunes, Abril 2.

Diokno rumesbak sa pambabastos ng Chinese officials kina Pangilinan, Tarriela, De Lima

Samantala, binanggit din ni Lizada na tatanggap sila ng mga aplikasyon ng special permit, upang mapunan ang biyahe ng mga sinuspindeng bus ng Dimple Star. (Alexandria Dennise San Juan)