DAHIL sa matagal na paghihintay sa pagbo-book ng Uber/Grab ni Bossing DMB ay napagkuwentuhan namin si Robin Padilla na bagong gupit ngayon sa pang-umagang seryeng Sana Dalawa Ang Puso kasama sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

MARIEL BABY AT ROBIN copy

Sabi namin kay Bossing DMB, ‘Grabe, parang bumalik sa kabataan niya si Binoe, ang guwapu-guwapo. Akalain mo, nagmukhang totoy sa gupit niya. Ang dami niyang tataluning batang aktor sa itsura niya ngayon.’

Sumang-ayon naman ang aming patnugot.

Tsika at Intriga

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya

“Natawa ako sa post niya na pinagdiskitahan na naman daw ng mga boss niya (sa ABS-CBN) ang buhok niya,” sey ni Bossing.

“Maski si Daniel (Padilla), aminin mo, mas guwapo pa rin si Robin sa pamangkin niya,” sabi namin. “I’m sure proud si Mariel (Rodriguez) sa kanya.’

Hirit ni Nossing DMB, “Selosa pa ba si Mariel? Kasi sa itsura ngayon ni Robin, ang daming babaeng magkakagusto sa kanya.”

Hmmm, parang wala namang dahilan na para magselos si Mariel kay Robin dahil bahay-trabaho lang naman na ang ruta ng aktor. Susme, magdamagan ang taping ng Sana Dalawa Ang Puso at ayaw na ayaw ni Binoe na kinukulang siya sa tulog kaya nga hangga’t maari ay ayaw na niyang magteleserye dahil ayaw niyang napupuyat siya lagi.

Kahapon, hiningan namin ng reaksiyon ang misis ni Robin kung ano ang mas gusto niyang hairstyle ng mister niya, mahaba o maiksi. Agad kaming sinagot ng, “Maiksi definitely!!!”

At tama nga, hindi na nagseselos si Mariel.

“Tama na! Hindi na issue sa amin ang mga selos-selos. Sobrang bait na asawa ni Robin, walang ibinibigay na dahilan kahit konti. Happy kami. Wala siyang ginawa kundi pasayahin kami ni Isabella.

“At yes, super guwapo niya. Sabi ko nga, ‘bumalik na ‘yung pinakasalan ko. Kamukha na siya ulit nu’ng pinakasalan ko sa India.”

Anyway, nag-check din kami ng feedback sa new look ni Robin, aba’y lahat positibo at iisa ang sinasabi, “Ang guwapo mo idol, petmalu ka talaga!” (Reggee Bonoan)