DAVAO CITY – Nangibabaw sina Clifford Pusing at Moira Erediano sa kani-kanilang dibisyon sa inilargang Alaska IronKids swim-bike-run race kahapon sa Azuela Cove dito.

Nadomina ni Pusing ng boys 13-14 division sa tyempong 41:23.7 kung saan nanguna siya sa swim (5:52) bao umarangkada sa bike (20:07) at run (13:09) para gapiin si Adrian Dionisio (41:47.6) at Irienold Reig Jr. (41:49.0).

Naungusan naman ni Erediano si Marielle Estreba sa girls’ premier side ng junior class ng pamosong torneo. Naorasan siya ng 43:29.8 sa unahan nina Estreba (43:30.5) at Nicole del Rosario (45:35.5).

Ang iba pang nagwagi sa taunang torneo na inorganisa ng Sunrise Events, Inc. sina Earol Belonguil at Asia May Araneta (11-12), Carron Canas at Chloie Dairo (9-10) at Al Dustin Bersabal at Eleora Avanzado (6-8).

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Naorasan si Belonguil ng 32:58.9 laban kay Matthew Hermosa (33:05.6) at Mark Grist (35:25.5), habang naitala ni Araneta ang tyempong 41:22.0 kontra Angel Quidasol (41:32.2) at Mikele Jopson (42:26.5); nanaig naman si Canas (26:27.4) kontra Connor Hodges (26:52.8) at Matthew Dugaduga (26:54.8), samantalang nmayani si Dairo (27:14.3) kontra Zurielle Galo (29:44.4) at Raiannelle Bacus (29:51.7).

Noiarasan naman si Bersabal sa 18:03.5 kontra Peter del Rosario (19:09.6) at Ahmad Ali Alonto (19:24.8), habang kumasa si Avanzado (20:34.2) kontra Rhexiel Belonguil (22:27.9) at Perrine Arenas (27:50.6).

Sa iba pang resulta, nagwagi sina Catherine Kamdom (24:24.5) at Charles Potter (27:09.8) sa Play Short category;

Jayden Corvera (33:03.1) at John Tayros (38:15.9) sa Play Long; Team Paolo (relay-28:03.4) at Team Heart (21:46.6).