Ni Angelli Catan

Ngayong Semana Santa ay kabi-kabila ang mga nagbabakasyon at nagpupunta sa mga resort, beach o sa ibang bansa. Ang ilan naman ay mas pinipiling magnilay-nilay sa kanilang mga bahay o kaya naman ay magpunta sa mga simbahan.

Tuwing Huwebes Santo at Biyernes Santo ay maraming Katoliko ang naglilibot sa iba’t ibang simbahan at dumadayo pa sa malalayong lugar upang makapag-Visita Iglesia.

Ang Visita Iglesia ay tradisyon ng mga Katoliko tuwing Semana Santa kung saan naglilibot ang mga deboto—kadalasan ay buong pamilya o magbabarkada—sa pitong simbahan upang gunitain ang pitong huling salita ni Hesus.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Ngayong taon, matapos ang napakahabang panahon simula pa noong World War II, bubuksang muli ang mga simbahan sa loob ng Intramuros sa Maynila, sa pagtutulungan ng Department of Tourism at Intramuros Administration.

Kaya naman ngayong taon, makukumpleto na ang Visita Iglesia sa pitong simbahan sa Intramuros:

1. San Agustin Church

2. Manila Cathedral

3. Mapua University Chapel

4. Lyceum of the Philippines University Chapel

5. Knights of Columbus Fr. Willman Chapel

6. Guadalupe Shrine in Fort Santiago

7. San Ignacio Church

Magkakaroon din ng Via Crucis sa General Santos Street, mula sa Beatro hanggang Muralla Streets sa Huwebes hanggang Sabado (Marso 29-31). Isang stage play din ang idaraos sa Tanghalang Santa Ana sa Huwebes Santo, ang “The Martyr of Golgotha”.