Ni JIMI ESCALA

SA bagong bukas na restaurant na Estela sa Brickroad St. katabi ng Santa Lucia East Centro Mall, ipinagmamalaki ni Gladys Reyes ang asawang si Christopher Roxas.

CHRISTOPHER AT GLADYS copy

Bukod daw kasi sa iba pang negosyong pinagkakaabalahan ay isa si Christopher sa mga may-ari ng Estela kasosyo ang ilang non-showbiz friends. Ani Gladys, napakinabangan ng asawa ang pagiging magaling nitong cook.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kuwento ni Gladys, halos gabi-gabi ay nasa restaurant nila si Christopher. Medyo kailangan daw kasi nilang tutukan dahil kabubukas pa lang ng negosyo.

“Marami kasi ang hindi nakakaalam na magaling sa negosyo ang asawa ko. Hindi lang naman ito ang negosyo niya. Dati, nagba-buy and sell siya ng mga lumang sasakyan,” sey ni Gladys sa harap ng masasarap na pagkaing na inihain niya para sa amin.

Kung si Christopher daw ay busy sa mga negosyo nila at siya naman ay sa negosyo nilang pampaganda, pinagkakaabalahan din niya ngayon ang up coming show niyang Inday Will Always Love You (IWALY) sa GMA-7.

“But still, kahit na pareho kaming busy, eh, hindi pa rin naman namin nakakalimutan ang pagiging ama at ina namin sa mga anak naming sina Gian Christopher, Aquisha, Grant Carlin at ang 10 month-old pa lang na si Gavin Cale,”sey pa ni Gladys.

Samantala, gandang-ganda si Gladys sa isla ng Bantayan na isa sa naging location ng taping ng IWALY. Kaya kung mabibigyan sila ng pagkakataon ay gusto niyang magbakasyon doon kasama ang buong pamilya niya.

“Ang ganda doon, ang linis. ‘Yung pier, unlike sa ibang lugar, ang linis na parang p’wede ka ngang maligo na doon. As a mother, it makes me want to bring my kids and my family there.

“Ang tahimik din ng lugar, ang presko ng environment. Sa totoo lang, feeling mo, eh, nasa paradise ka,” papuri pa ni Gladys sa Bantayan Island na nilakhan ng inyong abang lingkod.

Ikinuwento rin sa amin ni Gladys na sa taping ng nasabing bagong show ay nag-post daw siya ng larawan ng “freshly pumped milk” niya na may caption na, “Before I left, I stored this since I’m here in Sta. Fe, Bantayan Island, Cebu, You maybe nearby, Just Pm me #breastmilkfordonation”.

Umabot daw agad sa mahigit sa dalawang libo ang nag-like.

“Sa totoo lang, when you are breastfeeding, talagang kailangan mo rin mag-pump kahit nandu’n ka sa Cebu. Sayang naman kasi itapon. ‘Pinost ko na lang, baka may nangangailangan sa mga taga-Bantayan,”sey ng primera kontrabida.

Hindi nasayang ang gatas dahil may dumating at hiningi sa kanya.

“True enough sa Bantayan, meron po. Pinick-up nila. In my own little way, naka-help po tayo sa mga babies with the milk,” banggit pa ng aktres.