BEIJING (Reuters) – Muling nagsagawa ang Chinese air force ng serye ng drills sa pinagtatalunang South China Sea at Western Pacific matapos dumaan sa katimugang isla ng Japan, sinabi ng air force nitong Linggo, tinawag itong pinakamabisang na paghahanda para sa digman.

Iginigiit ng China na wala itong masamang intensiyon, ngunit ang sabre-rattling nito sa South China Sea at sa paligid ng Taiwan, ay ikinababahala ng rehiyon at ng Washington.

Sa pahayag, sinabi ng air force na ang H-6K bombers at Su-30 at Su-35 fighters, kasama ang iba pang aircraft, ay nagsagawa ng combat patrols sa South China Sea at mga pagsasanay sa Western Pacific matapos dumaan sa Miyako Strait, na nasa pagitan ng dalawang isla ng Japan sa katimugan.

Hindi nito sinabi kung kailan isinagawa ang exercises o kung saang bahagi ng South China Sea o Western Pacific.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

“Air Force exercises are rehearsals for future wars and are the most direct preparation for combat,” ipinahayag ng air force sa microblog.