Sinibak sa serbisyo ang limang pulis-Laguna matapos na masangkot umano sa ‘Tokhang-for-ransom’ sa lalawigan noong 2017.

Kabilang sa mga pinatalsik sa serbisyo sina PO3 Warren Ryan Carpena, PO3 Troyluss Yldeso, PO2 John Morris Alicbusan, PO1 Clayson Benabese, at PO1 Glicerio Cruzen, matapos mapatunayang nagkasala sa grave misconduct dahil sa paglabag sa Article 294 ng Revised Penal Code (RPC) at sa robbery with violence against intimidation of persons.

Sa desisyon ng National Police Commission (Napolcom), alinsunod lamang sa Memorandum Circular No. 2016-002 ng komisyon ang ipinataw nilang pagsibak sa limang pulis.

Una nang sinampahan ng kasong administratibo ang lima kaugnay ng reklamo ng isang mag-asawang negosyante noong Setyembre 12, 2017.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Sa record ng kaso, dinukot umano ng limang pulis ang mag-asawa sa kanilang bahay sa Sta. Rosa, Laguna, at tinangay ang kanilang sasakyan, gayundin ang kanila pera.

Dinala umano ang mag-asawa sa isang slaughter house at hiningan ng P1-milyon ransom kapalit ng hindi pagsasampa ng kasong may kinalaman sa droga laban sa mag-asawa. (Fer Taboy)