TARLAC CITY - Binalaan kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang taga-Nueva Ecija at Aurora kaugnay ng pagkawala ng supply ng kuryente sa loob ng 11 oras sa Abril 3.

Sa pahayag ng NGCP, sinabi ni Central Luzon Corporate Communications and Public Affairs Officer Ernest Lorenz Vidal na kabilang sa mga maaapektuhan ang mga kostumer ng Nueva Ecija Electric Cooperative (NEECO) II Area 1, Nueva Ecija Electric and Development Cooperative (NEEDCO) II Area 2, at Aurora Electric Cooperative (AURELCO).

Magsisimula ang brownout dakong 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.

Maaapektuhan ng pagkawala ng kuryente ang mga bayan ng Talavera, Bongabon, Natividad at Gabaldon sa Nueva Ecija, at Dingalan, San Luis, Maria Aurora, Baler, Dipaculao at ilang bahagi ng Casiguran sa Aurora.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Sinabi ni Vidal na bukod sa pagsasaayos sa mga linya ng kuryente ay isasailalim din ng NGCP sa configuration ang Cabanatuan Substation, o ang line segment ng Cabanatuan-San Luis 69KV line. (Leandro Alborote)