SUNDAN ang buhay ni Norman, na gagampanan ni Zaijan Jaranilla, isang binatang naghangad palawakin ang kaalaman para ipaglaban ang karapatan nilang mga Aeta ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya.

Bugoy Cariño

Bugoy Cariño

Kabilang sa tribo ng mga Aeta, namulat agad ang batang si Norman sa malaking pagkakaiba sa pagtrato ng mga tao sa kanilang kultura at kulay.

Kagaya na lang ng sinapit ng kanyang amang si Roman (Jhong Hilario) na pinilit papirmahin sa isang kasulatan na nagsasaad na hindi siya puwedeng umangat ng posisyon sa kumpanya dahil sa pagiging Aeta at dahil hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral.

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

Ito ang ginamit na inspirasyon ni Norman para magpursige at makapagtapos ng pag-aaral.

Ngunit, hindi pa pala doon natatapos ang kanilang problema dahil pinag-interesan ng mga Koreano ang kanilang lupain. Alamin kung paano naipaglaban ni Norman ang kanyang mga kapwa Aeta.

Makakasama nina Zaijian at Jhong sa upcoming episode sina Bugoy Cariño, Nikki Valdez, at Jess Evardone, mula sa panulat ni Joan Habana at sa direksiyon ni Dado Lumibao.