Ni Freddie G. Lazaro
Hinikayat ng isang mambabatas ang lahat na makiisa sa Earth Hour ngayong Sabado, Marso 24, simula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi, sinabing ang maliit na bagay gaya ng sabayang pagpapatay ng ilaw kung hindi kinakailangan ay malaking kontribusyon sa pagsagip sa planeta.
Sinabi ni Senator Loren Legarda, chairperson ng Senate Committee on Climate Change, UNISDR Global Champion for Resilience and UNFCCC National Adaptation Plan Champion, na sa pakikiisa sa Earth Hour, “we are showing our commitment to creating more sustainable and resilient communities.”
“We all know that our home planet is not in its best state due to global warming. Turning off unused lights and other electrical appliances for an hour may seem too insignificant to change the world, but if all of us, the billions of citizens around the globe, will do it, the impact would be immense,” sabi ni Legarda.
Noong 2017, nasa 187 bansa at estado ang nakiisa sa Earth Hour at 3,100 landmark at monumento sa buong mundo ang nagpatay ng ilaw.
Bukod diyan, sa pagdaraos ng 2017 Earth Hour sa Pilipinas, naitala ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa 165-megawatt ang nabawas sa maximum load sa kabuuan ng nagagamit ng bansa.