Ni Lyka Manalo

TANAUAN CITY, Batangas - Nahuli na ang isang 33-anyos na matagal nang pinaghahanap ng batas dahil sa kinakaharap na kasong panggagahasa sa Tanauan City, Batangas nitong Huwebes ng hapon.

Sa report ng Batangas Police Provincial Office, nabigla pa si Marvin Calpo, ng Barangay Poblacion 3, San Jose del Monte, Bulacan, nang salakayin ng pulisya ang pinagtataguan nito sa nasabing lungsod.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Si Calpo ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Veronica De Guzman, ng Regional Trial Court Branch 9, Malolos City, Bulacan sa kasong statutory rape.

Nabatid na nangyari umano ang panghahalay sa Bgy. Sta. Cruz, San Jose del Monte, Bulacan noong Nobyembre 2013.