Ni Annie Abad

PUSPUSAN na ang paghahanda ng bagong Asian Games Chef de Mission na si Ormoc City Mayor Richard Gomez matapos pulugin ang mga miyembro ng technical commitee mula sa Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC).

Ayon kay Gomez, kinukonsidera niya ang pagpasok ng men’s basketball at women’s volleyball para sa quadrennial meet na gaganapin sa August sa Indonesia, upang maging dalawa sa mga sports discipline na masasandalan ng Pilipinas sa kampanya nito sa nasabing kompetisyon.

“We are strongly considering the inclusion of man’s basketball and women’s volleyball,” ayon kay Goma na siyang pinili ng bagong POC president na si Ricky vargas upang maging CDM. “We have only four months left before the Asian Games,”

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Napag usapan din sa nasabing pulong ang budget, medical at administrative staffing, ang kabuuan ng delegasyon na dadalhin ng bansa gayundin ang tungkol sa mga kagamitan , track suits at parade uniforms.

Inamin din ni Gomez na hindi rin malayo na ikunsidera niya ang naunang plano noong si Julian Camacho pa ang nakaupong CDM para sa Asian Games. Ayon sa kanya wala naman umano siyang planong baguhin sa mga nauang proyekto ng dating CDM.

“We still do not have the final numbers, but there will be not much difference from the previous projectin” ani Gomez na dalawang beses na naging /chef de mission para sa bansa, ana una ay sa Phuket Asian Beach Games noong 2014.

Ayon naman kay PSC Chairman William Ramirez, handa siyang tanggapin kung ilan man ang numero ng delegasyon ang ipiprisinta sa kanya ni Gomez, at handa umano siyang suportahan ito,.

“We’ll leave the decision to the POC. The PSC shall support as best we can” pahayag ni Ramirez.

Bukod dito, ipinagutos din ni Ramirez ang pagbuo ng medical team buhat sa Philippine Sports Institute na siyang aalalay sa mga atleta na patungong Asian Games.