Ni Mar T. Supnad

CONCEPCION, Tarlac – Nasakote ng pulisya ang isang barangay kagwad matapos bentahan umano ng ipinagbabawal na gamot ang isang pulis sa Concepcion, Tarlac nitong Huwebes.

Kinilala ni Tarlac Police Provincial Office director, Senior Supt. Ritchie Posada, ang suspek na si Dennis Quilala, alyas “Daniel”, ng Barangay Alfonso.

Mayo 2017 nang unang naaresto si Quilala sa kanyang barangay, kasama sina Noel Sanches at Gil Pascua, kapwa kagawad ng Bgy. Sta. Rita, Concepcion; August Cruz, chairman ng Bgy. Murcia; at Sherwin Samson, chairman ng Bgy. San Sebastian ng Tarlac City.

Probinsya

Batang nabitawan ng ina matapos silang sumemplang sa motor, patay sa bangga ng bus!

Kasama rin ni Quilala sa nadakip si Gerardo Zamora.

Natuklasang 2016 pa nang sumuko si Quilala sa “Oplan Tokhang” ng pulisya.