Ni Jel Santos

Sugatan ang apat na katao, kabilang ang tatlong pasahero ng jeep, matapos mahulog ang makina ng gondola mula sa isang gusali sa Makati City, kahapon ng umaga.

Dinala sa Makati Medical Center ang mga nasugatang sina Florito Torevillas, 47; Rochelle Balayas, 31; at Aljun Gorgonjio, 25, pawang pasahero ng jeep; at si Antonio Arcilla, gondola operator.

Sa imbestigasyon, nalaglag ang bahagi ng gondola machine sa jeep na sinasakyan ng tatlong pasahero, sa panulukan ng Buendia at Tordesillas Streets sa Barangay Bel-Air sa lungsod, dakong 9:00 ng umaga.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nabatid na nakalagay ang gondola sa gusali ng Shang Salcedo Place Properties.

Kaagad namang nag-isyu ang Makati Department of Engineering and Public Works ng stoppage order o pagpapatigil sa Vonotec, Inc., ang nangangasiwa sa instalasyon, pagmamantine at operasyon ng gondola sa nabanggit na gusali.

“This is to inform you that you have made an Illegal Mechanical Installation/Operation in violation of the provisions of the ‘National Building Code’ (P.D. 1096) and its own implementing rules and regulations,” ayon sa kautusan.