UMAATIKABONG aksiyon ang matututunghayan sa paghaharap nang matitikas na foreign at local team sa 30th Manila 10s International Rugby Festival ngayon sa pamosong San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

 IGINIIT ng mga opisyal at organizers ng Manila 10s International Rugby Festival na malaki ang potensyal ng Pinoy na umariba sa rugby sports kung kaya’t patuloy ang panghihikayat nila (mula sa kaliwa) Tournament Director Max Chicken Stewart; Lady Volcanoes player Rara Sales; Philippine Volcanoes player Lito Ramirez; MJC Vice-President for Marketing Eduardo Ramirez de Arellano; Manila 10s Chairperson Clair Barberis; Manila 10s Tournament Draw and Seeding David Feeney; at Philippine Rugby Football Union Secretary-General Ada Milby sa sambayan na panoorin at suportahan ang torneo.

Kabuuang 24 koponan, kabilang ang kinatawan mula sa Asia, Oceania at United Kingdom, ang magpapamalas ng katatagan, bilis at lakas sa torneo na ginagamit din para matukoy ang mga potensyal na maging miyembro ng National Team.

“It is dubbed by ESPN as the best social rugby tournament in the world,” pahayag ni tournament director Max Chicken Stewart.

Chavit Singson, pangungunahan pagpapatayo ng kauna-unahang PBA Arena?

Hindi makakadepensa ang Cup 2017 champions Singapore Barbarians at Shield titlists Tokyo Gaijin, ngunit ang presensiya ng RFC Eagles (Plate), Taipei Baboons (Bowl) at SCC Growlers(Veterans) ay sapat na para maging kapana-panabik ang bawat sandali San Lazaro Leisure Park.

Sisimulan ng Ibons at Manila Samurais ang aksiyon sa nakahilerang 35-game schedule simula 9:00 ng umaga, bago ang labanan ng Group A teams Subic Sharks at Tush Burkeyz sa 9:14 ng umaga.

Ang 27-game quarterfinals, semifinals at finals ang gaganapin bukas.

Kabilang sa mga koponan ang Taipei Baboons, SKF Mavericks, Manila Carabaos at Manila Hapons sa Group B; Seoul Survivors, Clark Jets, Bush Turkeyz at Albay Bulkans sa Group C; Manila Nomads, Makati Chiefs B, Cebu Dragons at Pot Bellied Pigs sa Group D; B2Gold Larrikins, Eagles RFC, Makati Chiefs A at RMDK Tigers sa Cup Division; at Extinct Volcanoes, Fiji Golden Oldies, SCC Growlers at Taiper Silverbacks sa Veterans Category.

Ang Manila 10s ang kauna-unahang rugby tournament na ginawa sa bansa noong 1989 sa Nomads Sports Club sa Merville Park, Parañaque, sa pangangasiwa ng noo’y Club president na si Albert Robert.