BILANG paghahanda sa mas malaking torneo sa taon, kinuha ni National Master Edmundo Gatus ang titulo sa Philippine Executive Chess Association (PECA) blitz chess tournament kamakailan sa Alphaland Makati Place, Ayala Avenue sa Makati City.

Nakapagtala ang dating University of Manila sandout ng pitong puntos para masikwat ang titulo sa one-day blitz tourney na sinuportahan ni Philippine Executive Chess Association (PECA) president Atty. Cliburn Anthony A. Orbe.

Naka iskeydyul ang Tondo, Manila bet na si Gatus sa paglahok sa 2018 Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Seniors chess championships sa Davao City sa Hunyo 17-27, 2018.

Magkasalo sa ika-2 hanggang ika-3 puwesto na may tig 6.5 puntos ay sina Dr. Alfredo “Fred” Paez, ang Press Relation Officer (PRO) ng Philippine Executive Chess Association (PECA) at Information Technology (IT) specialist Joselito Cada.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang mga nakapasok sa top 10 ay sina 4th place NM Al Bernardino Jr. (5.5 pts.), 5th place Philippine Executive Chess Association (PECA) president Atty. Cliburn Anthony A.Orbe (5 pts.), 6th place businessman Emil Colindres (5 pts.), 7th place Dr.Jenny Mayor (4.5 pts.), 8th place Clement Valledor (4 pts.) and Tyrone Guya (4.0 pts.) at 10th place Noel Garcia (2 pts.).