Ni Gilbert Espeña

LAMANG si two-weight world champion Carl Frampton ng United Kingdom sa paghaharap nila ni four-division world titlist Nonito Donaire Jr. para sa interim WBO featherweight champion sa Abril 21 sa SSE Arena sa Belfast, Northern Ireland.

Sinuman ang magwagi kina Frampton at Donaire ay tiyak na hahamon sa kampeong si Oscar Valdez ng Mexico na nagpapagaling sa pinsalang nakuha sa matagumpay na depensa sa Briton ding si Scott Quigg nitong Marso 10, sa Stubhub Center, Carson, California.

“I’m completely focused on Donaire first and foremost but the fact it’s for the WBO interim title and the winner gets a shot at Valdez gives it something extra,” sabi ni Frampton sa Fightnews.com.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I’ve always been a fan of Donaire. It’s an exciting fight and I’m prepared for a hard night. I’ve got some quality American sparring in and I’m going to come into this one in the shape of my life,” diin ng Briton na minsang minaliit si Donaire sa kanyang mga pahayag. “I give credit to Frank Warren and MTK Global for getting this over the line. It’s going to be a special night in Belfast.”

Kapwa naging kampeon sina Donaire at Frampton sa WBA featherweight division pero ngayon lang sila kakasa para sa WBO 126 pounds crown.

Kasalukuyang WBC Silver featherweight titlist si Donaire pero nakalista lamang na No. 8 sa WBO kahit natalo sa kontrobersiyal na 12-round unanimous decision sa alaga ni Top- Rank big boss Bob Arum na si Jessie Magdaleno na umagaw sa kanyang WBO super bantamweight title noong Nobyembre 5, 2016 sa Las Vegas, Nevada.

Nakalista namang No. 4 si Frampton sa WBO rankings at may rekord siyang 24 panalo, 1 talo na may 14 pagwawagi sa knockouts kumpara sa “The Filipino Flash” na may kartadang 38 panalo, 4 na talo na may 24 pagwawagi sa knockouts.