Ni Fer Taboy

Tatlong katao, kabilang ang isang dating preso, ang napatay matapos silang tambangan sa Lapu-Lapu City, Cebu nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Lapu-Lapu City Police Office, tanging si Reno Egos, ng Barangay Looc, Lapu- Lapu City, pa lamang ang nakilala sa mga biktima.

Natuklasan sa pagsisiyasat ng pulisya na kalalaya pa lamang sa kulungan ni Egos, na una nang nasangkot sa droga at sa paglabag sa election gun ban.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nauna rito, sakay sa motorsiklo ang mga biktima habang binabagtas ang national highway sa Bgy. Mactan, Lapu-Lapu City nang pagbabarilin sila ng mga hindi nakilalang lalaki.