Ni Annie Abad

SELYADO na ang usapan sa pagitan ng Philippine Sports Commission (PSC) at lungsod ng Baguio sa pagtatanghal ng Batang Pinoy National Finals sa Setyembre 15-21.

Nakipagpulong si PSC Commissioner Celia Kiram kamakailan sa pamunuan ng Baguio City sa pamamagitan ng secretary to the Mayor na si Atty. George Forteya at ang City Sports Coordinator na si Gaudencio Gonzales at Paul Rillota.

Napag usapan sa nasabing pagpupulong ang magiging papel ng PSC at ng city government ng Baguio sa nasabing torneo para sa mga kabataang may edad 15-anyos pababa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang pamunuan naman ng Baguio City ang siyang mangangasiwa sa seguridad ng mga kabataang lalahok at lahat ng makikibahagi sa nasabing torneo kung saan magpapakalap sila ng kapulisan upang masiguro ang kapayapaan habang nagaganap ang kompetisyon.

Ang Luzon leg ng Batang Pinoy ay ginanap sa Vigan, habang si Dumaguete naman idinaos ang Visayas Leg at ang Mindanao Leg ay inilarga sa Misamis Occidental sa Oroquieta City.

Kaugnay nito, nakatakdang imbitahan ng mga nangangasiwa ng Batang Pinoy si Davao City Mayor Sarah Duterte bilang panauhing pandangal sa opening ceremonies.