Ni NORA CALDERON

THANKFUL si Barbie Forteza sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya. Hindi naman kataka-taka dahil isa siya sa young stars na napakasipag at napaka-professional, hindi siya namimili ng role kaya naman sought after siya ng producers bukod pa sa exclusive contract star siya ng GMA Network.

BARBIE

Last year bago nagtapos ang 2017, two weeks na nag-shooting si Barbie sa Italy para sa Almost A Love Story with Derrick Monasterio, sa direksiyon ni Louie Ignacio. Ipapalabas na ito in cinemas sa April 11.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Two weeks naman siyang nag-taping ng Inday Will Always Love You, bagong romantic-comedy series ng GMA Public Affairs na kinunan ang kabuuan sa Santa Fe, Bantayan Island at ilan pang tourist spots ng Cebu. Si Derrick uli ang katambal niya at malapit na rin itong ipalabas sa primetime block ng GMA-7.

Kababalik lang ni Barbie from Cebu nang kunin naman siya ng APT Entertainment, Inc. ni Mr. Antonio P. Tuviera para sa kanilang Lenten Special for Holy Saturday, ang Elehiya. Idinirehe ito ni Mike Tuviera sa kabundukan ng Boso-Boso sa Antipolo City, kasama ni Barbie ang isa sa ibini-build up na young star na si Taki Saitio. Executive producer naman si Rams David.

Gaganap si Barbie bilang si Lucia, isang pekeng manghuhula na nakakakita raw ng mga ispiritu, na hindi marunong magmahal ng ibang tao maliban sa kanyang kapatid na si Cristina (Taki). Nagising na lamang si Lucia isang umaga na nakakakita na talaga siya ng totoong ispiritu. Sinikap ni Lucia at ni Cristina na tulungan ang mga ispiritu at siya man na baguhin na ang sarili niyang multo, iwaksi na ang galit sa kanilang ama, ang lungkot sa pagkamatay ng kanilang ina, at bumalik sa paniniwala sa Diyos.

Sundan ang kuwento ng magkapatid at kung paano sila natubos ng pag-ibig, at kung paano nila muling natagpuan ang Diyos sa kabila ng mga pinagdaanan nila.

May isa pang project na pinakahihintay at ipinagdarasal ni Barbie na matuloy, ang pelikula na makakasama niya ang kanyang iniidolo at ginagampanan niyang role sa Sunday Pinasaya as Krissy, si Kris Aquino. May nagsasabing hindi na raw ito matutuloy, pero hindi nawawalan ng pag-asa si Barbie, hanggang hindi raw personal na sabihin sa kanya na hindi na tuloy ang project.