Ni NORA CALDERON

SIMULA nang lumipat si Atom Araullo sa GMA Network, nagkasunud-sunod na ang ginagawa niyang documentaries. Pinaluha ng isa sa latest niyang ginawa para sa Marawi ang entertainment press na unang nakapanood sa McDonald’s National Breakfast Day. Ginawa ito ni Atom in partnership with the food chain na may advocacy ring tulad niya, ang pagtulong sa mga naapektuhan ng giyera sa naturang siyudad sa Mindanao.

ATOM copy

Pumunta sa Marawi City si Atom para interbyuhin ang Marawi mothers na nakatira sa evacuation centers na ayaw iwanan ang kanilang mga anak. “Baby Bakwits” ang title ng docu na inaasahang makakalikom ng pondo na ibibigay para sa pagpapatayo ng facilities na makatutulong sa mag-iinang evacuees. Hindi masyadong mahihirapan sa fundraising dahil si Atom, kasama ang kanyang daddy, ang bagong endorser ng McCafe product.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

May bagong show si Atom sa GMA Public Affairs, ang Atom Araullo Special na sa trailer ay ipinakita ang hirap na dinadanas niya sa shoot. Ang maganda, ipalalabas ito on a Sunday at sa maagang oras kaya marami ang makapanonood.

Sa Sunday, April 1, at 4:30 PM na ito ipalalabas sa GMA7.

Marami naman ang nagtatanong kung kailan ang commercial run Citizen Jake, ang first movie ni Atom na magkatulong nilang sinulat ng kanyang director na si Mike de Leon. Nakailang special screenings na ito sa UP Film Center, pero usap-usapan na mukhang malabong magkaroon ng commercial run dahil ayaw ni Direk Mike na ipapanood ito sa MTRCB.

Ayaw kasi niyang putulan ng kahit isang eksena ang pelikula niya na siya rin ang nag-produce.

Payag si Atom na ipalabas ito sa schools, para mas marami pa ang makapanood.