Ni NORA CALDERONAlbertAldenDreamgirlsBugoy
NAGPAKA-GENTLEMAN si Alden Richards nang tanungin sa grand launch sa kanya as the brand ambassador of Cookie’s Peanut Butter sa mainit na issue bunsod ng pag-bad finger sa isang poster niya ng kapwa Kapuso actor na si Juancho Trivino.
“No big deal,” nakangiting sagot niya. “Okey na po sa akin iyong nag-apologize na siya sa social media. Nang una kong makita ‘yung video, nagulat ako, ba’t may ganoon? Pero nawala na rin po sa akin iyon, sabi ko sa sarili ko, just pray for it. Hindi naman po kasi ako mahilig magpalaki ng bagay, kaya ayaw ko na rin pong mag-elaborate, sa akin po, wala pong problema.”
Tamang-tama naman ang messages ni Alden noong morning ng March 18, bago lumabas ang video kinagabihan, sana nabasa iyon ni Juancho at ng babaeng kumuha ng video niya: “’Di kailangang magbaba ng tao para lang umangat.” “Don’t let the behaviour of others destroy your inner peace.” “Take care of your own happiness. Respect others and their happiness.”
Sinagot din ni Alden ang tanong sa kanya kung magkano ang talent fee niya bilang first endorser ng bagong brand ng peanut butter ng mag-asawang Cookie Yatco at Joy Abalos-Yatco.
“Mga kaibigan ko po sila kaya presyong pangkaibigan lang, pero masaya po ako dahil hands-on ako sa promo nila, mula sa logo, sa music video na we shoot, kahit po itong t-shirt, hindi po nila ginagawa na hindi muna nila ipinaalam sa akin. Kinukuha muna nila ang approval or suggestions ko bago nila ilabas. Hindi po ako industrial partner nila, masaya po ako nang sabihin nilang nang pumasok ito sa mga supermarkets last December, marami agad ang naghanap, ang iba nga raw ay sila na ang nagtatanong kina Cookie at Joy kung bakit wala sila ng peanut butter ni Alden.”
As to his coming projects, sa April 5 na ang alis ni Alden with Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe at si Betong Sumaya para sa Sikat Ka Kapuso for New Jersey concert on April 7 at sa Toronto, Canada sa April 8. After the shows, pupunta si Alden sa New York para sa 2-day one-on-one workshop niya with Anthony Bova in preparation para sa bago niyang teleserye sa GMA-7. At kung papalaring manalo ang documentary niyang Alaala: The Martial Law Special sa New York Festival on Television and Movies on April 10, baka raw dumalo siya roon.
Saka pa lamang siya babalik ng Pilipinas, in time naman sa mall show niya ng Cookie’s Peanut Butter sa Megamall Event Center sa SM Megamall on April 22.