Ni Hans Amancio at Mary Ann Santiago

Nalambat ang No. 2 most wanted sa Maynila makalipas ang mahigit dalawang buwang police surveillance.

Ang suspek, kinilalang si Manuel Murillo, ay iniulat na miyembro ng vigilante group na responsable sa serye ng pagpatay sa Maynila, ayon kay Chief Insp. Rosalino Ibay ng Manila Police District Intelligence and Operation Unit.

National

Di pahuhuli sa trend? De Lima, binalikan larawan pagiging senador noong 2016

Sa bisa ng search warrant at pagsasanib-puwersa ng Manila Police District (MPD) at ng Criminal Investigation and Detection Group, inaresto si Murillo sa Taft Avenue sa Ermita, Maynila noong Marso 21.

Bago ang h i n ihinalang pagkakasangkot niya sa pagpatay sa mga tulak ng droga sa Maynila, si Murillo ay iniulat na miyembro ng peacekeeping action team na tinawag na Confederate Sentinel Group.

Si Murillo, na iniugnay din sa pagpatay kay Charlie Salagada, 16, noong nakaraang taon, ay kasalukuyang nakakulong sa MPD Integrated Jail.