Ni Analou de Vera
Ipinamalas ng University of Sto. Tomas ang kanilang galing sa katatapos na Lego-building competition, na pinangasiwaan ng Department of Tourism (DoT).
Ito ay nang manalo ang UST sa paligsahang may temang “iMake History Architecture Scale Model Competition” kung saan inilampaso ng mga estudyante ng UST Architecture ang 12 pang grupo mula sa iba’t ibang pamantasan.
Nakuha ng UST ang boto ng mga hurado nang buuin nila ang Lego brick model ng Lourdes Church, na muling itinayo sa Quezon City mula nang mapinsala ito noong World War II.
Bilang gantimpala, tumanggap ang grupo ng P50,000 at nakuha rin nila ang ‘Most Innovative Award.’
Kaugnay nito, binigyang-diin naman ni DoT Secretary Wanda Tulfo ang kahalagahan ng nasabing patimpalak sa mga batang creative thinker, lalo na ang mga architecture at engineering students, na pag-aralan nang husto ang kanilang kakayahan, pagkakakilanlan at extraordinary events na huhubog ngayon sa sa lipunan.
Binigyang-diin naman ni Lego Education Territory Manager Brian Dam, ang kahalagahan ng learning history.
“Understanding the history of a country is of course key in what has brought us to where we are, what has been the historical challenges of the past generation and what were their limitations, because by looking at history, we can start shaping the future,” dagdag pa nito.