DAHIL summer na, hindi magpapahuli ang cast ng The One That Got Away sa pagbibilad ng kanilang sexy bodies.

Oozing with confidence talaga sina Rhian Ramos (Zoe), Max Collins (Darcy), Lovi Poe (Alex) at Dennis Trillo (Liam) sa nakaraang episode ng rom-com series na napanood din sina Renz Fernandez (Gab), Ivan Dorschner (Iñigo) at Jason Abalos (Gael). Dumagdag pa sa hot bods alert ang pagpasok ng karakter ni Solenn Heussaff sa buhay ni Liam. Siya ang pinakabagong player na lalahok sa battle of the exes. Gagampanan niya ang papel ni George, ang first love ni Liam.

Siguradong four times na ang kulitan at kabaliwang hatid nila sa Kapuso viewers. Pero ano kayang gulo ang dadalhin ni George kina Alex at Liam?

Samantala, tuloy naman si Zoe sa pagpapapansin kay Gael. Maamin na kaya niya finally ang feelings para sa kanya? Pero paniwalaan kaya ito ni Gael? Tutukan ang TOTGA gabi-gabi sa GMA-7.
Tsika at Intriga

John Lloyd sa anak na si Elias: 'Araw-araw kaya ko mamatay para sa ’yo!'