Ni Mary Ann Santiago

Pinaalalahanan kahapon ng isang paring Katoliko ang mga mananampalataya na hindi nila kailangang saktan ang sarili o magpapako sa Krus tuwing Mahal na Araw upang ipakita na nagsisisi sila sa kanilang mga kasalanan.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), hindi hinihiling ng Simbahang Katoliko sa mga mananampalataya na magpenitensiya sa pamamagitan ng pananakit sa sarili at pagpapapako sa Krus para mapatawad sila sa kanilang mga kasalanan.

Sinabi ng pari na nagawa na ni Hesukristo ang pagpapakasakit sa krus para tubusin ang mga tao mula sa kasalanan at hindi na ito kailangan pang ulitin.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Paalala pa niya, ang mas mahalaga ay mangumpisal ang mga mananampalataya kung taos-puso ang pagsisisi sa mga naging pagkakamali.

Dapat rin aniyang manalangin, magnilay at magbalik-loob sa Panginoon sa pamamagitan ng pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa.