INILISTA ni Rodriguez, Rizal bet John Fajardo ang Cayetano “Jun” Reyes-Santos Jr. chess cup sa listahan ng kanyang mga napanalunan na ginanap sa JRS chess club sa Ampid One, San Mateo, Rizal.
Nakalikom si Fajardo ng pitong panalo sa pitong laro para maangkin ang titulo sa individual Open tournament nitong Sabado kung saan nagsilbing punong-abala si Cayetano “Jun” Reyes-Santos Jr. na kinikilalang Chess God Father sa Rizal province.
Nakuha naman ni Michael Abuang ang ika-2 puwesto sa paglikom ng 6.0 puntos sa pitong laro. Habang naiuwi naman ni Marc Carganilla ang ika-3 puwesto sa pagkamada ng 5.5 puntos.
Sa Team Tournament, pinangunahan ni Fajardo ang JRS chess team tungo sa titulo kasama sina Carganilla at Jonathan Esquillo.
Nitong Linggo ay nagpatuloy ang pananalasa ni Fajardo ng muling angkinin ang titulo ng individual Open tournament rapid chess format kung saan nakasama niya sa kampeonato si Enrique David III na pambato din ng Rodriguez, Rizal na sariwa pa sa paghahari sa Paniqui, Tarlac.