Ni ADOR SALUTA

BAGAMAT hindi nag-uwi ng korona sa katatapos na Binibining Pilipinas 2018 beauty pageant ang candidate #35 na si Sandra Lemonon, naging usap-usapan naman ng publiko ang kanyang naging kasagutan sa question-and-answer portion.

SANDRA copy

Nang tanungin tungkol sa insight niya “Build, Build, Build” program ng pamahalaan, nagpakatotoo si Sandra at sinabing wala siyang alam tungkol dito.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa panayam sa kanya ni Mario Dumaual ng TV Patrol, sinabi ng Filipino-French beauty ang saloobin sa magandang pagtanggap sa kanya ng publiko.

Naging ‘honest ‘ lang daw siya sa kanyang sagot na, “Actually, you know what, I studied so much for this Q and A but sadly, that’s something I don’t know really much about. But at least, I’m here trying to answer a good question. Thank you.”

Sa panayam ng TV Patrol, ang sabi ni Sandra, “I was terrified, I really thought that I was not gonna be at all appreciated and loved for what I did that night. I was really, really scared for being honest, but I’m so happy… Thank you so much for supporting me and to send me all your messages and taking your time to talk to me, it really, really, really means a lot to me.”

Samantala, may shoutout sa Instagram si Miss Universe-Philippines 2018 Catriona Gray nitong Lunes ng gabi. Nagpasalamat si Catriona sa lahat ng tumulong sa kanya sa kanyang pagkakapanalo.

“Special shout out to my sister @sandralemonon who kept me sane throughout,” sabi ng crowd favorite na si Catriona.

Lingid sa kaalaman ng marami, best friends sa totoong buhay sina Catriona at Sandra.

Mapapansin ito sa mga post ng magkaibigan sa social media.

Nang hindi masagot ni Sandra ang tanong sa Q&A ng Binibining Pilipinas 2018, mapapanood na si Catriona ang una niyang nilapitan at kaagad silang naghawakan ng kamay.

Batchmates din sina Catriona at Sandra sa Miss World Philippines 2016 pageant, na si Catriona rin ang nakakuha ng korona at si Sandra naman ay naging 4th runner-up.