Ni Beth Camia

Muling humirit muli si dating Senador Ramon “Bong” Revilla sa Korte Suprema na siya ay pansamantalang palayain habang dinidinig ang kasong plunder laban sa kanya sa Sandiganbayan.

Sa inihain niyang urgent motion, hiniling ni Revilla sa Kataas-taasang Hukuman na pagkalooban siya ng provisional liberty hanggang sa madesisyunan ang kanyang main petition sa Korte Suprema.

Ang kasong plunder laban kay Revilla ay may kinalaman pa sa umano’y pagkakasangkot niya sa pork barrel scam, sa hinala na ang bahagi ng kanyang pork barrel allocation ay napunta sa mga pekeng non-government organization na pag-aari ni Janet Lim Napoles.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho