Ni Aaron Recuenco

Ang pulis na iniulat na nagtamo ng komplikasyon sa Dengvaxia ay hindi namatay dahil sa kontrobersiyal na bakuna.

Mismong si Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald dela Rosa, ang nagbigay-linaw sa pagkamatay ng pulis, na nakatalaga sa Batasan Hills Police Station ng Quezon City Police District, sa pagsasabing wala itong kinalaman sa Dengvaxia.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Ayon kay Dela Rosa, hindi kasama ang pulis sa mahigit 4,500 parak na tinurukan ng naturang bakuna noong nakaraang taon.

“I was asking the officials of our Health Service if he was vaccinated by Dengvaxia and according to them his name does not appear on the records because he was not eligible,” sambit ni Dela Rosa.

Ang bakuna ay para sa mga nasa edad siyam hanggang 45. Ang pulis ay 50-anyos na.

Base sa findings, leptospirosis ang ikinamatay ng pulis, sabi ni Dela Rosa.

Ayon kay Chief Insp. Venalie Bayani, attending physician ng pulis, isinugod ang parak sa PNP General Hospital noong Marso 2 dahil sa sintomas ng leptospirosis.

“It was already on the severe stage when he arrived at the PNP-GH, we had to subject him to dialysis during the first day because his renal system is no longer working. He could no longer talk,” ani Bayani.

N a m a t a y a n g p u l i s kinabukasan.

Iniulat na humingi ng tulong sa Public Attorney’s Office ang pamilya ng pulis.

Ngunit, nilinaw ni Dela Rosa at ng mga opisyal ng Health Service na wala ang biktima sa listahan ng mga pulis na nabakunahan ng Dengvaxia.

“There is no way that his name would either be not included or deleted because we at the Health Service were the ones who conducted screening,” ayon kay Senior Supt. Antonietta Langcauon.