Ni Roy C. Mabasa

Nahalal ang Pilipinas bilang Vice President ng Preparatory Group ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) Executive Board.

Ang UNESCO ay isang specialized agency ng UN na nakabase sa Paris. Layunin nitong makatulong sa pagsusulong ng kapayapaan at seguridad sa pamamagitan ng pagtataguyod sa international collaboration sa pamamagitan ng educational, scientific, at cultural reforms upang maitaas ang paggalang ng mundo sa katarungan, rule of law, at human rights.

Ang Preparatory Group ay isang technical body na naglalayong makapag-ambag sa epektibo at inclusive preparation ng UNESCO Executive Board sessions, at pagpapadali sa paggawa nito ng mga desisyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagpupulong ang Preparatory Group dalawang beses sa isang taon ang regular sessions ng Executive Board.

Inihalal ang Pilipinas sa unang pagpupulong ng UNESCO Executive Board nitong nakaraang linggo.

Si Philippine Deputy Permanent Delegate to UNESCO Hendrik Garcia ang magsisilbing Vice President katuwang ni Cote d’Ivoire Ambassador Denise Houphouet-Boigny bilang President.