Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 n.g. -- San Miguel Beer vs Magnolia

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

I S A N G n a g h a h a n g a d na mapanatili ang nasimulang tradisyon at isang gustong patuloy na piralin ang sistemang pinaniniwalaang naghahatid sa kanila ng panalo ang magiging sentro ng sagupaan ng 2018 PBA Philippine Cup Finals na magsisimula ngayong gabi sa Araneta Coliseum.

Target ng defending champion San Miguel Beer na maging unang koponan sa kasaysayan ng liga na nagwagi ng apat na sunod na Philippine Cup o All-Filipino title para kay coach Leo Austria.

Naniniwala si Austria na hindi ito “dynasty” kundi isang tradisyon.

Hindi naman bibitaw ang Hotshots sa ipinagmamalaki nilang depensa na ayon kay c o a c h Chito Victolero ang s i y a n g naghatid sa kanila sa kampeonato at patuloy nilang sasandigan upang makamit ang titulo.

“Kung papalarin kami it’s the first time na mananalo ang isang koponan sa PBA nang apat na sunod-sunod na All-Filipino,”sambit ni Austria.

“Kanina may nagtatanong nga kung destiny or dynasty. Ang sabi ko, it’s tradition — sana maging tradition na namin na kami lagi ang nanalo sa All-Filipino.”

“It’s a battle of defense and offense eh,” wika naman ng second-year Magnolia mentor na si Victolero.

“We’ve been consistent with our goals nung start palang ng conference, which is to limit our opponents under 90 points. Nagawa namin yun… Yun din yung goal namin sa series against NLEX and we’re very successful,” aniya.

“Siguro yun din magiging trend namin sa Finals.”

Bagamat batid ang napakalaking hamon na kakaharapin, buo naman ang paniniwala ni Austria sa kakayahan ng kanyang mga players partikular ang kanyang starters na itinuturing na “ best starting five in the league” sa kasalukuyan.

“We keep on winning because of the sacrifices of these players. Kung titingnan mo ang line-up ng ibang teams, it’s equally talented and equally strong. It’s a matter of how you develop your team to have a winning attitude,” pahayag ng reigning Coach of the Year. “I think yun ang difference sa team na ito becaus ang winning attitude nila especially when we’re facing a tough team.”

“Ang pride nila is always prevailing so they keep on winning.”

Sa kabilang dako, tanggap naman ni Victolero ang pagiging dehado ng Magnolia ngunit naniniwala naman sya na nandun ang malaki nilang tsansa basta’t lalaro silang iisa at sama-sama.

“Kahit sino namang kalaban ng San Miguel, underdog yan eh,” ani Victolero. “We just need to play together. I think yung team namin, yung buong team namin—not Paul Lee, not Barroca—we need to stop San Miguel as a team.”

“Not one-on-one, not two-on-two. It’s about five on five.”

Bukod dito, sinabi din ng Hotshots mentor na handang-handa ng sumabak sa Finals ang Manok ng Bayan kahit wala si Marc Pingris na mula sa pagiging Best Defender ng team ay naging numero una nilang “motivator” ngayong na-sideline ito matapos ma injured.

“They are ready. I think yung challenge na mangyayari ngayon is that mas motivated sila, mas inspired sila,” wika ni Victolero.

“They’re very inspired. Motivated yung mga bata. Sana magtuloy-tuloy sa Finals.”