Ni Jun Ramirez
Kinasuhan kahapon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang gold trader sa kabiguang magbayad ng income at value-added tax, na aabot sa mahigit P1.7 bilyon, sa loob ng limang taon.
S a ma g k a h iwa l a y n a r e k l a m o n g i n i h a i n s a Department of Justice, kinilala ni BIR Commissioner Caesar R. Dulay ang respondent na si Angelito Ocampo De La Pena, ng St. John Street, Veinte Reales, Valenzuela City.
Ang reklamo ay base sa opisyal na ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na binentahan ito ni De La Pena ng mamahaling metal noong 2005-2009.
Isinampa ang kaso nang mabigo ang akusado na sagutin ang mga assessment at collection notice na ipinadala sa kanya.
“Due to the failure of the respondent to submit the required documents, assessments were made based on the best evidence obtainable,” base sa pahayag ng BIR.
Idinagdag nito na ang “the respondent’s obstinate failure and continued refusal to pay his long overdue deficiency taxes, despite repeated demands, constitute willful failure to pay the taxes due the government.”