Mula sa Reuters

INATASAN ng federal appeals court nitong Lunes na magbayad ng $5.3 million sina Robin Thicke at Pharrell Williams para sa kanilang pangongopya ng isang awitin ni Marvin Gaye upang likhain ang 2013 smash na Blurred Lines.

Sa 2-1 vote, inihayag ng 9th U.S. Circuit Court of Appeals na ang 1977 song ni Gaye na Got to Give It Up ay nagtataglay ng “broad” copyright protection, at sinusugan ang March 2015 jury verdict pabor sa tatlong anak ni Gaye.

Ginarantiyahan din ni Circuit Judge Milan Smith ng award na 50 porsiyento ng future royalties mula sa Blurred Lines ang mga Gayes. Ibinalik niya ang nadiskubre ng jury na ang Interscope record label, bahagi ng Vivendi SA, at si Clifford Harris, ang rapper na kilala rin bilang si T.I., na nagdagdag ng verse sa Blurred Lines, ay hindi liable.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ginawaran ng jurors ang mga Gayes ng $7.4 million, ngunit binawasan ito ni U.S. District Judge John Kronstadt, kaya naging $5.3 million, bukod pa sa royalties. Sinabi rin ni Kronstadt na dapat ay may pananagutan si T.I. at ang Interscope, ngunit hindi sumang-ayon ang korte.

Naging tanyag ang Blurred Lines case sa industriya ng musika, kaya nagkaroon ng debate tungkol sa plagiarism at pagbibigay-pugay sa likha ng mga popular na artist gaya ni Marvin Gaye, na ang ilan sa mga awiting pinasikat ay I Heard It Through the Grapevine at What’s Going On. Si Gaye ay binaril ng kanyang ama noong 1984 sa edad na 44.

Ang kaso ay Williams et al v Gaye et al, 9th U.S. Circuit Court of Appeals, No. 15-56880.