Ni Gilbert Espeña
Kakasa si WBA No. 13 flyweight contender Giemel Magramo laban kay MinProBa super flyweight champion Michael Bravo sa Linggo (Marso 26, 2017) para sa bakanteng WBO Oriental flyweight title sa Okada Manila Hotel & Casino sa Paranaque City.
Ito ang ikaapat na laban ni Magramo mula nang matalo sa kontrobersiyal na desisyon kay South Korea-based Muhammad Wassem na umagaw sa kanyang WBC Silver flyweight title noong Nobyembre 27, 2016 sa Gwanakgu Hall sa lungsod ng Seoul.
Pinagtatalo ni Magramo ang mga beteranong sina John Rey Lauza, John Mark Apolinario at Benezer Alolod pawang sa knockouts upang mapaganda ang kanyang kartada sa 20 panalo, 1 talo na may 16 pagwawagi sa knockouts.
May kartada naman si Bravo na 13 panalo, 1 talo na may 6 pagwawagi via stoppages at galing sa 8 sunod-sunod na panalo, 6 sa pamamagitan ng knockouts.
Sa undercard ng laban, itataya naman ni two-time world title challenger Jonathan Taconing ang kanyang world ranking sa mapanganib na si dating IBF Youth flyweight titlist Robert Onggocan.
Malaki ang mawawala kay Taconing kung matatalo kay Onggocan dahil nakalista siyang No. 2 contender sa WBC at WBO, No. 5 sa WBA at No. 11 sa IBF sa light flyweight rankings.