ESPESYAL ang Holy Week coverage ng Unang Hirit ngayong taon dahil sa live itong ihahatid mula mismo sa Holy Land sa Israel. Simula kahapon, mapapanood si Rhea Santos mula sa iba’t ibang pilgrim sites dito na may kaugnayan sa passion, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Jesus Christ.

Rhea Santos_Israel copy

Ilan sa mga ito ay ang Bethphage, na dinaanan ni Jesus papasok sa Jerusalem na siyang inaalala tuwing Linggo ng Palaspas; ang Upper Room, na pinangyarihan ng Last Supper; ang Via Dolorosa na tinahak ni Jesus patungo sa pinagpakuan sa kanya sa Krus; at ang Church of the Holy Sepulchre, ang kasalukuyang Mt. Calvary.

Bibisitahin din ng Unang Hirit ang iba pang mga lugar sa Israel na naging bahagi ng buhay ni Jesus tulad ng Bethlehem, Jordan River, Sea of Galilee, at maging ang Mount of Temptation.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Bukod sa mga ito, ipakikita rin ng Unang Hirit ang mga lokal na kaugalian sa Israel at mga bagong tuklas na kainan, tulad na lang ng Pinoy Carinderia.

Mapapanood ang espesyal na Holy Week coverage ng Unang Hirit simula kahapon hanggang sa susunod na Miyerkules, March 28, sa GMA-7.