Ni Ben R. Rosario

Sinabi kahapon ni Speaker Pantaleon Alvarez na hindi na iimbitahan si dating Pangulong Fidel V. Ramos na humarap sa imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa pagpaupa sa P7.5 bilyon na limang ektaryang lupa ng gobyero sa halagang P1,000 lamang kada taon.

Ayon kay Alvarez, inatasan niya ang House Committee on Good Government na huwag nang hilingin ang pagtetestigo ni Ramos sa kontrobersiya dahil sa pahayag ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, nagpanukala ng House Resolution 1188 para sa congressional inquiry, na hindi na kailangang humarap ng dating punong ehekutibo.

Itinanggi rin ni Alvarez na nagkomento siya sa isyu, iginiit na nananatili siyang patas sa imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa kakarampot na upa ng Philippine Exporters Confederation Inc. sa propyedad ng gobyerno sa Roxas Blvd, Manila.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji