Ni Mary Ann Santiago
Pinawi ng Department of Health (DoH) ang pangamba ng publiko sa napaulat na mayroon umanong bagong strain ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas, na sanhi ng pagdami ng mga kaso ng naturang sakit sa bansa.
Ayon kay DoH Secretary Francisco Duque III, fake news ang nasabing isyu na hindi dapat ikalat upang hindi na lumikha pa ng pangamba sa publiko.
Wala aniyang ebidensiya upang paniwalaan ang nasabing ulat.
Kung talaga aniyang mayroong bagong HIV strain sa bansa ay dapat na ipinabatid na ito sa kanila ng World Health Organization (WHO) at iba pang mga awtoridad sa HIV/AIDS.
“That is fake news. Huwag na po sana tayong magpasimula ng mga ganoon kasi hindi naman po ‘to batay sa ebidensiya.
And I’m sure if there was a new strain we would have been informed by the WHO and other authorities in HIV/ AIDS,” aniya.