Ni GENALYN D. KABILING

Matapos ang halos tatlong taon sa kanyang termino,handa na si Pangulong Rodrigo Duterte na makipagtulungan sa mga kalaban niya sa politika para isulong ang interes ng bansa.

Nag-alok ang Pangulo ng “partnership” sa magkakaribal na partidong politikal para sa kapakanan ng bansa, idiniin na walang mangyayari kung palagi silang magbabangayan.

“Kalimutan na natin ‘yung mga partido-partido. Partnership na lang tayo,” ani Duterte sa pagtitipon ng kanyang mga tagsuporta sa Cuneta Astrodome sa Pasay City nitong Miyerkules ng gabi.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Kasi kung mag-ano tayo walang mangyari eh. Mag-distance kayo eh kasi ‘yung isa, malapit ‘yung isa. Huwag na lang yan. Tulungan na lang tayo,” dugtong niya.

Nilinaw din ng Pangulo, chairman ng namumunong Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) party, na hindi siya nagkikimkim ng sama ng loob sa kanyang mga kalaban sa nakalipas na halalan.

“Kung suportahan ako ng karamihan ng tao, I will appreciate it],” aniya.

“Hindi kayo tumulong sa akin, kay Binay kayo, kay Grace, wala na akong pake, kay Mar. Tapos na ‘yun. Bakit pa ba ako mag-ano diyan? Panalo na ako. Kaya ako tahimik na lang ako,” aniya pa.

At kung ilan sa kanyang mga naging karibal ang magpasyang sumali sa partido ng administrasyon, tatanggapin sila ng Pangulo dahil ito aniya ang realidad ng politika.

“That is the culture of politics everywhere na kung sino ‘yung manalo, maglipat doon, pati ‘yung incumbent mayors because you want to help. You must be with friends with everybody, including the President, not really because you want to get something,” aniya.

“It’s not really opportunism, but rather that is really the politics of our times,” diin niya.