MATAPOS mapatalsik sa puwesto sa Philippine Olympic Committee si Jose ‘Peping Cojuangco bilang pangulo sa pamamagitan ng eleksiyon, isang Cojuangco na naman ang pinananawagang magbitiw na rin sa puwesto sa kanyang pinamumunuang national sports association.

Nagpakita ng puwersa sa harap ng media ang malaking grupo ng jiu-jitsu , sa pangunguna ng Team Deftac -- pinakamalaking koponan sa jiu-jitsu sa bansa -- upang ipanawagan at isigaw ang kanilang pagnanais na magbitiw na sa puwesto bilang pangulo ng Jiu-Jitsu Federation of the Philippines si Choy Cojuangco dahil sa umano’y bulok na sistemang pinapairal nito na magtutulak sa pagdausdos ng naturang asosasyon at mapag-iwanan na ng ibang bansang kamakailan pa lang natututo sa naturang larangan.

Sa pangunguna ni dating world jiu-jitsu champion Maybelline Masuda (20090 kasama ang iba pang potential international medalists,sabay-sabay nilang isinigaw ang mga katagang ‘Jiu-Jitsu is not Golf, No To Choy at Choy Resign!’

Ang siste, ayon sa grupo, ang JFP na isang combat sport ay pinamumunuan ng apat na golfers at isang dayuhan habang ang mga tunay jiu-jitsu artists ay nasa ilalim ng kanilang timon. Hindi umano, ito nangyari kung hindi pinaghimasukan ni dating POC Chief ang Election sa asosasyon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang iba pang opisyal ng JFP na konektado rin sa golf ay sina Gia Suarez, Ferdie Agustin at Jason Lim.

Ayon pa kay Masuda ,ang pambato ng Team Deftac na sina Kimberly Custodio,Patricia Gomez, Vince Oriz at Gerard Kallos ay winalis ang mga nakatunggali mula sa mga manlalaro ni Cojuanco na nasa national pool sa isang open tryout pero ni isa sa tropang Deftac ay walang nag-qualify para sa National Team.

“The future of the jiu-jitru in the Philippines is in limbo because of Cojuangco leadership.Our country has a long history of jiu-jitsu and way ahead of it’s neighboring countries, pero napagiiawanan na tayo,” ayon kay Masuda, maybahay ni international jiu-jitsu gold medalist Alvin Aguilar na pinuno ng Wrestling Association of the Philippines at organizer ng URCC Mixed Martial Arts.

“The jiu-jitsu community has never seen or heard this people[Choy group]They have never trained in their life. How can they lead us into the future?Will we allow politics play into the sports particularly in jiu-jitsu?YTigilan na ang epal!” aniya.